SAN VICENTE, Palawan — Limang mangingisda ang inaresto sa bayan na ito, araw ng Huwebes, dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na compressor sa pagitan ng Wedge Island at Imuruan Island.

Ayon sa hepe ng San Vicente Law Enforcement Office na si Orlando Estoya, ang mga nahuli ay ang mangingisdang sina Pepito Sumayang, Roberto Sumayang, John Paul Cabanse, Rene Oba, at Victor dela Cruz na pawang mga residente ng Barangay Liminangcong, Taytay.

Nakumpiska mula sa kanila ang isang compressor, paraphernalia para sa compressor operation, mga isdang nahuli na tumitimbang ng 100 kilos, at fishing boat.

“Ang law enforcement unit ng LGU (local government unit) ay nakatanggap ng report about dito sa illegal fishing activity within our municipal water kaya at about 4 p.m. kahapon (Wednesday) ay nag-dispatch tayo ng tao para mag-monitor and apprehend,” sabi ni Estoya.

 

Photo courtesy of Choi Estoya.

Pansamantalang naka-detine sa kanilang opisina ang mga mangingisda habang hindi pa sila nakakapagbayad ng karampatang multa na P20,000.

Nagbigay din ng payo ang kanyang tanggapan sa mga mangingisda na napapadpad sa municipal water ng San Vicente at nangingisda sa pamamagitan ng iligal na paraan.

“Binabalaan natin ang mga transient fishers na huwag pumasok dito sa muncipal waters ng San Vicente dahil mahigpit nating ipinapatupad ang ating ordinances,” pahayag niya.

“Nandito sila ngayon sa office namin sa enforcement. Naghihintay ng perang pambayad nila ng penalty. Kapag nakabayad sila ng penalty na P20,000 ay makakauwi sila then regular filing na lang awaiting ng summon from court sila,” dagdag pa ni Estoya.

 

About Post Author

Previous articleQuaranTINIG: Palawan News takes a bow
Next articleDOT to jump-start domestic tourism under stricter protocols with IATF and LGUs
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.