Sinalubong mismo nina Acting Provincial Health Officer Dr. Faye Labrador, Assistant Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Cruzalde Ablaña, at ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan katuwang ang Western Command (WESCOM) ang pagdating ng AstraZeneca Vaccines lulan ng eroplano ni Gob. Jose Chavez Alvarez kamakailan. (Larawan mula sa Provincial Information Office)

Nasa 440 vials ng AstraZeneca vaccines o COVID-19 vaccines ang dumating sa Palawan lulan ng pribadong eroplano ni Gob. Jose Ch. Alvarez kamakailan.

Ang pagdating ng mga bakuna ay sinalubong mismo nina Acting Provincial Health Officer Dr. Faye Labrador, Assistant Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Cruzalde Ablaña, at ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan katuwang ang Western Command (WESCOM).

Agad namang dinala sa Cold Chain/Storage Facility ng Provincial Health Office (PHO) ang mga bakuna.

Ayon sa impormasyong ibinigay ng Provincial Information Office (PIO), ang isang vial ng AstraZeneca vaccine ay katumbas ng 10 doses kung kaya’t ang nasa 440 vaccines ay umaabot ng 4,400 doses.

Ang unang batch ng mga bakuna para sa lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa ay dumating noong Marso 5, kung saan umaabot ito sa 5,260 doses ng Sinovac na inilaan naman para sa mga medical health worker. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About Post Author

Previous articleBill creating energy research institute gets final House nod
Next articlePuerto Princesa City to issue new travel protocols