Nagpapagaling ngayon sa Ospital ng Palawan (ONP) ang isang 42 anyos na babae matapos itong tamaan ng bala sa bibig noong nakalipas na buwan sa bayan ng Roxas.

Kinilala itong si Maribel Gonzales Aurino na residente ng Sityo Nanabo, sa barangay proper ng nasabing munisipyo.

Ayon sa PPO, tinamaan si Aurino ng bala sa bibig matapos magpaputok ng baril ang suspek na pinangalanan na si Leonardo Vicencio, residente rin ng Nanabo.

Sa paunang imbestigasyon ng Roxas municipal pulis, lumalabas na noong gabi ng ika-27 ng Disyembre habang natutulog si Aurino at ang kanyang asawa na si Emilio sa kanilang bahay ay malalakas na katok ang ginawa sa kanilang pintuan ng suspek.

Hindi binuksan nila Aurino ang pintuan kaya naman sinasabing pinagbabaril ang kanilang bahay ni Vicencio. Matapos gawin ito ay agad din itong tumakas.

- Advertisement -

Hinabol ang suspek ni Emilio kaya nakilala nito si Vicencio.

Ang hinala ng mga pulis, maaaring nagawa ng suspek ang krimen dahil sa galit.

Previous articleDOLE tells employees to convert to cash unused service incentive leaves
Next articleDTI set to destroy confiscated illegal consumer products
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.