Apat na lalaki na sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang naaresto sa Sitio Venturanza, Barangay Oring-Oring, sa bayan ng Brooke’s Point noong Miyerkules.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, nahuli ang apat sa isang drug buybust na isinagawa ng pinagsamang puwersa ng Brooke’s Point Municipal Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU).

Kinilala ang mga suspek na sina Sanang Cano Nasad, 34, residente ng Barangay Labog Española, Diolai Panes Basadre 43, Raymart Lawanan Ceriaco, 19 at Anthony Mechabe Demerin, 31, pawang residente ng nasabing bayan.

Nakuha mula sa kanilang kustodiya ang limang sachet ng shabu at ilang mga kagamitan kasama na ang iba pang buy-bust item, drug paraphernalia, at pera.

Nahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Advertisement -
Previous articleIllegal lumber confiscated in San Vicente
Next articleProvincial board to probe release of BHW honoraria
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.