Jul 8, 2020

34 anyos na lalaki natagpuang patay sa Mangingisda

Kinilala ito ng pulisya ang biktima na si Hernan Moraca Lagaras, 34, residente ng kalapit na Purok Paglaom 1 sa natura rin na barangay.

File photo courtesy of of Loida Dumas Calma.

Natagpuang patay ang isang 34 anyos na mangingisda Sabado ng umaga sa Purok Paglaom 3 Seashore sa Barangay Mangingisda, Puerto Princesa City.

Kinilala ito ng pulisya ang biktima na si Hernan Moraca Lagaras, 34, residente ng kalapit na Purok Paglaom 1 sa natura rin na barangay.

Base sa inisyal na report ng City Police Station 2, nakatanggap sila ng tawag mula kay Kgd. Cresencio Gapuz Jr. bandang 9:40 ng umaga at ipinaalam na may nakitang katawan sa tabi ng dagat.

Nakainom umano ng alak si Lagaras bago ito pumalaot. Pinaghahanap rin si Lagaras ng kanyang mga kamag-anak ngunit natagpuan na lang itong patay dahil sa pagkalunod habang nangingisda.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry