Sep 26, 2020

3 residente ng Roxas, inaresto dahil sa pagbebenta ng shabu

Kinilala ng mga awtoridad ang mga ito na sina Matt Vincent Majestad Magbanua, 34, Rommel Padernal Sinoy, 26, at Cheery Gallardo Pinoy, 51 pawang mga residente ng bayan.

Naaresto ang tatlong tao matapos mabilihan ng hinihinalang shabu sa Purok 7, Sitio Aragawan, Barangay New Barbacan, bayan ng Roxas, Huwebes ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga ito na sina Matt Vincent Majestad Magbanua, 34, Rommel Padernal Sinoy, 26, at Cheery Gallardo Pinoy, 51 pawang mga residente ng bayan.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office, nahuli ang mga ito matapos makabili sa kanila ng isang sachet ng shabu kapalit ng P500.

 

 

Bukod sa buybust item at pera, nakuha rin sa kanilang pangangalaga ang lima pang sachets ng droga, isang pack ng sigarilyo, at swiss knife.

Nahuli ang mga suspek sa buybust operation na ikinasa ng pinagsamang puwersa ng Roxas Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni P/Maj. Analyn Aurelio Palma, operatiba ng Palawan Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Michael Von Agbisit, at ng Provincial Intelligence Unit (PIU).

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry