Tatlong lalaki na wanted sa mga kasong rape, robbery, at direct assault ang naaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Palawan simula noong Hunyo 13 hanggang Hunyo 16 sa magkakaibang munisipyo.

Ayon sa report mula sa Palawan Police Provincial Office (PPPO) sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos, ang mga nahuli ay kinilalang sina Bellardo Mapalo Fernando, 30, residente ng Brgy. Sowangan, Quezon; Arbie Barrameda Olano, 19, residente ng Brgy. Rio Tuba Bataraza, at Ferdinand Euwe Valida Pontejos, 35, residente ng Brgy. Antipuluan, Narra.

Unang naaresto si Fernando noong Hunyo 13 sa Sitio Sawmill, Brgy. Sowangan sa Quezon sa southern Palawan dahil sa kasong rape. Ang kanyang warrant of arrest ay may petsa na Mayo 25, 2021, na inisyu ni Judge Ramon Chito Mendoza ng RTC Branch 165 sa Brooke’s Point.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Fernando na ngayon ay nasa kustodiya na ng Quezon Municipal Police Station (MPS).

Sumunod na naaresto noong Hunyo 15 ay si Olano dahil sa kasong robbery. Inaresto siya ng operatiba ng Bataraza MPS sa bisa ng warrant na inisyu rin ni Judge Mendoza na may petsang Agosto 16, 2019.

Ang inirekomendang piyansa para siya ay pansamantalang makalaya ay P72,000.

Ang pangatlong naaresto ay si Pontejos dahil sa kasong direct assault. Ang warrant ay inisyu laban sa kanya ni Judge Melissa Grace Tanco Perola ng Narra Municipal Trial Court ng 4th Judicial Region noong Hunyo 1, 2021.

Nasa kustodiya na siya ng Narra MPS at may piyansa na P18,000 na inirekomenda ng korte.

Previous articleDOST-MIMAROPA showcases PPAs, highlights policy advocacies to House of Representative
Next articleTatlong purok sa Poblacion, San Vicente isinailalim ng MIATF sa ECQ
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.