Aabot sa ₱100,000 halaga ng pinaghihinalaang droga ang nakumpiska sa isang isinagawang drug buy-bust operation ng enforcement unit ng Bataraza police noong Huwebes ng gabi.
Tatlong lalaki, kabilang ang isang menor de edad, ang nahuli sa buy-bust operation na isinagawa sa Sitio Pungo-Pungo, Barangay Buliluyan, Bataraza, Palawan.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Abiden Baraludin Astami, 28; Almasud Jamani, 21 at isang minor na residente ng Brgy. Bangkalaan, Balabac, Palawan.
Ayon sa PDEU, mula sa isla ng Bangcalaan ang tatlo sakay ng bangka patungo sa Buliluyan para sa transaksyon ng mga ito sa asset ng PNP.
Naniniwala sila na mayroong nasa likod ng mga naaresto.
Paglabag sa Sections 5 and Section 11 ng Article II ng RA 9165 ang kakaharapin ng tatlong suspek.



