Limampung mag-aaral ng Honda Bay Child Daycare Center (HBCDC) sa Barangay Sta Lourdes ang naging benepisyaryo ng feeding program ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (SOU-MG) ngayong pasko at nabigyan ng pagkain kung saan katuwang nito ang mga criminology interns ng PSU Puerto Princesa, Parent-Teachers Association, at mga civilian volunteers.

Ayon kay P/Lt. Anna Viola Abenojar, police community relations officer ng 2nd SOU-MG, layunin ng aktibidad na makapaghatid ng masustansiyang pagkain sa mga bata at siyang tugon rin nila sa problema ng malnutrisyon.

“Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa programa ng hepe ng Pambansang Pulisya na si P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran, kaugnay rin ng Revitalized PNP Kasimbayanan Program na naglalayong palakasin at lumikha ng maayos na ugnayan sa pagitan ng PNP organization, komunidad, at ng simbahan,” sabi ni Abenojar.

Dagdag ni Abenojar, asahan ng komunidad ang patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan ng kanilang hanay, katulad ng pagsasagawa ng iba’t ibang community outreach program at patuloy na pagbibigay ng proteksyon sa bawat mamamayan ng lungsod at iba pang bahagi ng lalawigan .

About Post Author

Previous articleOpisyal at ilang mga agents ng PDEA, tiklo sa isang buy-bust sa Taguig
Next article‘Duturtle’, handed over to PCSDS
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.