- Advertisement by Google -

Dalawampu’t isang magsasaka sa bayan ng Sofronio Española ang nagtapos sa Farmer’s Field School (FFS) for Vegetable Production ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa isinagawang graduation ceremony sa Barangay Panitian noong Setyembre 14.

Ang mga ito ay mga miyembro ng Purok Mabuhay Vegetable Farmer’s Association (PMVFA) na sumailalim sa 16 na linggong pagsasanay tungkol sa tamang pamamaraan ng pagtatanim at pagpapalago ng kani-kanilang mga pananim.

Ayon kay Dr. Romeo Cabuncal, provincial agriculturist ng Palawan, layon ng programa na lalo pang palawigin at paunlarin ang agrikultura sa probinsya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaalaman, pagsasanay sa mga magsasakang Palaweño.

“Ito po ay isang programa ng OPA thru the leadership of Gob. Socrates na ito po ay isa sa tiningnan doon sa “Usapang Palawan Summit” na pagpapalawig o pagpapaunlad ng agrikultura sa lalawigan ng Palawan. Kasi ang agriculture ay hindi lang nakatuon sa usaping palay, usaping mais, kundi ‘yong usaping gulay, isda at livestock,” sabi Dr. Cabungcal.

- Advertisement -

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleHuman rights-related Cinemalaya films to be screened in Puerto Princesa
Next articlePH stocks, peso slip on higher-than-expected US inflation
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.