Sep 25, 2020

2 prov’l hospital sa Palawan binigyan ng tulong pinansiyal ng PCSO

Tumanggap ang mga ito ng tig-isang milyong piso mula sa PCSO sa isinagawang simpleng turn-over ceremony noong Abril 8 sa tanggapan ng PCSO sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Personal na tinanggap kamakailan ni Dr. Ryan Clifford N. Estrada ng Northern Palawan Provicnial Hospital (NPPH) mula kay PCSO Palawan Branch Head Maria Victoria J. Colisao ang tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng isang milyong piso para sa nasabing ospital. (larawan mula sa Palawan Provincial Government)

Binigyan ng tulong pinansiyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang provincial hospitals sa Palawan.

Ang mga ito ay ang Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) na matatagpuan sa Brooke’s Point Palawan at ang Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) na matatagpuan naman sa Taytay, Palawan.

Tumanggap ang mga ito ng tig-isang milyong piso mula sa PCSO sa isinagawang simpleng turn-over ceremony noong Abril 8 sa tanggapan ng PCSO sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Personal na tinanggap ito ng mga hospital heads na sina Dr. Amabel B. Labor ng SPPH at Dr. Ryan Clifford N. Estrada ng NPPH mula kay PCSO Palawan Branch Head Maria Victoria J. Colisao.

Ipinagkaloob ng PCSO ang nasabing tulong pinansiyal sa dalawang ospital upang makatulong na may magamit ang mga ito sa kanilang mga ginagawang hakbang upang patuloy na labanan ang pandemic na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang nasabing tulong pinansiyal ay maaaring gamitin ng mga benepisyaryong ospital para bumili ng mga Personal Protective Equipment (PPE), Medical and Diagnostic Equipment, mga gamot, gayundin para sa mga gastusin sa laboratory and diagnostic procedures, confinement at iba pa.

Nagpasalamat naman sina Dr. Labor at Dr. Estrada sa PCSO sa ayudang ipinagkaloob sa kanilang mga ospital dahil marami anila ang matutulungan ng nasabing halaga para sa patuloy na operasyon ng kanilang ospital lalo na sa ganitong pagkakataon na may humaharap sa pagsubok ang bansa dulot ng COVID-19.

Ang ginagawang pagbibigay ng ayuda ng PCSO sa mga ospital sa bansa kabilang na ang dalawang ospital sa Palawan ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan upang malabanan ang COVID-19. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry