Dalawa ang nasaktan sa banggaan ng dalawang motor at kotse sa kahabaan ng Rizal Avenue, lungsod ng Puerto Princesa City, bandang 5:30 kahapon, October 10.

Ayon sa ilang mga nakasaksi sa insidente, mula sa national highway sa Junction 1 ang tatlong sasakyan na tinatahak ang daan papuntang Bancao-Bancao nang sinubukang mag-overtake ng isang motor sa nasa unahan nitong puting Suzuki na bigla namang lumiko ng walang signal light.

Ayon sa driver ng motor na si Edmond Gabasan, mabagal lang ang takbo ng mga sasakyan at walang kasalubong kaya nag-overtake ito sa puting Suzuki. Ngunit bago pa man ito makalagpas sa sasakyan ay bigla na lang itong lumiko pakaliwa dahilan ng pagkakasagi nito.

“Magkasunod kami. Tumatakbo pa ang sasakyan (Suzuki) hindi ko alam na liliko siya dahil walang signal light. Wala din po kasing kasalubong kaya umovertake ako. Tapos bigla nal ang nasagi kami,” pahayag ni Gabasan.

Sa bilis ng pangyayari ay sumalpok sa likurang bahagi ng kotse ang isa pang motorsiklo.

Ayon kay Ramie Eralino, laking gulat nila ng angkas niyang misis sa biglaang pagpreno ng kotse sa kanilang harapan.

“Nagulat na lang [kami], kasi biglang preno dahil nasagi na niya (Suzuki) ang unahan. Walang signal light. Bigla lang talaga,” pahayag ng mag-asawa.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ag mga awtoridad sa nangyari.

About Post Author

Previous articleLalaki binaril ng airgun ang kaalitang kapitbahay
Next articleCity to appeal court dismissal of civil suit vs. PALECO
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.