Dalawang magkasunod na aksidente sa kalsada dahil sa pag-ulan ang naitala sa bayan ng Roxas, Palawan, kahapon, October 7.

Unang bumangga sa gilid ng kalsada ang isang SUV Mitsubishi Montero sa kahabaan ng national ighway ng Sitio Calaetin, Barangay Malcampo, sa bayan ng Roxas, bandang 8:50 ng umaga kahapon, matapos diumanong mawalan ng control ang driver nito dahil na rin sa dulas ng kalsada dala ng malakas na pag-ulan.

Base sa report ng Palawan Police Provincial Office (PPO), mula sa bayan ng El Nido patungo sa lungsod ng Puerto Princesa ang SUV sakay ang tatlo nitong pasahero na masuwerte namang hindi nasaktan sa aksidente.

Banggaan naman ng tricycle at pulang pick-up Toyota Conquest, ang naitala sa kahabaan ng national highway sa Sitio Ipako, Barangay Magara sa baya ng Roxas, 10:50 ng umaga kahapon.

Base sa report ng PPO, mula sa bayan ng Taytay patungo sa Puerto Princesa ang tricycle na minamaneho ng 47 taong gulang na si Edgar Francia Fabrigas, nang makasalubong at mabangga ito ng pick-up sa pakurbadang bahagi ng kalsada.

Nawalan umano ng kontrol ang driver sa sasakyan dahil na rin sa basa at madulas na kalsada dala ng walang tigil na ulan.

Wasak na ang traysikel habang matinding pinsala naman ang natamo ng driver nito.

Ligtas naman ang driver ng pick-up na si Jemuel Leido, 37 taong gulang, at tatlo nitong sakay na nasa kustodiya na ngayon ng Roxas MPS para sa karagdagang imbestigasyon.

About Post Author

Previous articleUS Marine Division eyes more exercises with PH counterparts
Next articleCity tourism to develop signature products, cuisine
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.