Sep 26, 2020

2 lalaki nagsaksakan sa Honda Bay

Dalawang lalaki ang isinugod sa ospital matapos mauwi sa saksakan ang kanilang inuman noong Huwebes ng gabi sa Purok Honda Bay, Brgy. Sta. Lourdes.

Sa spot report ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 2 ang mga biktima ay kinilalang sina Rene Jacobia Bares at Alberto Derla Corpuz, kapwa residente ng naturang barangay.

Base sa imbestigasyon ang dalawa ay magkasamang nag-iinuman sa bahay ng suspek nang sila ay nagkainitan.

Pinapaalis diumano si Bares sa bahay ng suspek na si Corpuz. Sumunod naman ito at namahinga sa gilid ng kalsada, ayon sa spot report.

Ang suspek naman ay sumunod sa kanya na may dalang kutsilyo at sinaksak si Bares sa babang bahagi ng tiyan.

Naagaw ng biktima ang kutsilyo at nasaksak din ang suspek sa likod nito.

Ang suspek ay may kakaharaping kaso na frustrated murder.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry