Dalawang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa Narra at Brooke’s Point, ayon sa impormasyong ibinahagi ni P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office.

Isa ang nahuli ng Narra municipal police sa pangunguna ni P/Maj. Romerico Remo noong Sabado sa Brgy. Poblacion, Narra. Kinilala ang suspek na si Reymon Pagubo Cueno, 26, residente ng Quirino Avenue ng nasabing barangay.

Isa namang magsasaka ang nahuli sa parehas na operasyon sa Sitio Mati, Barangay Pangobilian, bayan ng Brooke’s Point, Linggo ng hapon. Kinilala ang suspek na si Erwin Maasin Balderian, 42 at residente ng nasabing lugar.

Ang operasyon ay isinagawa ng Brooke’s Point Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni P/Capt. Bernard Dela Rosa.

 

Previous articleDA to roll out ‘Buy 2, Take 2’ fertilizer policy
Next articleImprove facilitation of mercy flights, city officials urged
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.