- Advertisement by Google -

Huli sa akto nang paghahakot ng mga ilegal na pinutol na kahoy ang dalawang kalalakihan sa Poblacion, Quezon, kagabi, August 2.

Arestado ng mga awtoridad sina Bernie Masucol, 27 taong gulang, at 19 taong gulang na si Ronie Masucol.

Kumpiskado mula sa dalawa ang 19 piraso ng gemilina, na tinatayang aabot sa 191 board feet at nagkakahalaga ng P2,316.

Haharapin naman ng dalawa ang kasong paglabag sa Sec. 77 ng Presidential Decree 705. o Forestry Code of the Philippines.

- Advertisement -

Samantala, mas pinapaigting umano ng PNP MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang pagpapatupad ng kampanya laban sa illegal logging activities at paglabag sa environmental laws.

Ayon sa Regional Operations Division, nakapagtala ng 188 police operations kung saan nagresulta sa pagkaaresto ng 195 katao at pagkumpiska ng 39,313.80 board feet of illegally cut lumber worth P1,485,022.64 simula Enero ngayong taong 2022 sa buong Mimaropa region.

Kasabay din nito, inatasan ng Regional PNP ang kanilang mga pulis na magtanim ng mga puno katuwang ang Department of Environment and Natural Resources and stakeholders sa mga Local Government Unit.

Sa lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa ay tuloy-tuloy ang ginagawang tree planting ng mga kapulisan.

Ayon kay P/Maj. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Police Provincial Office (PPO), taong 2021 ay nagsimula ang kanilang hanay sa pagtatanim ng mga puno.

“Nakapagsimula po tayo first quarter ng 2021, at sa total ng ating naitanim ay 178,528,” pahayag ni Ramos.

Sa lungsod ng Puerto Princesa, sinabi ng tagapagsalita nito na si P/Cpt. Victoria Carmen Iquin na agresibo ang kanilang mga pulis sa lungsod sa pagsasagawa ng tree planting.

“At present, PPCPO already planted 11,501 seedlings of narra, ipil, and nato in Brgy. Luzviminda and Brgy. Montible, and mangrove seedlings in Brgy. San Manuel in active partnership with the City ENRO and various stakeholders in the city,” pahayag ni Iquin.

Nanawagan din ang PNP MIMAROPA sa mga pulis nito na maging “eco warrior” at patuloy na pangalagaan ang kalikasan.

Target ng mga pulis sa buong MIMAROPA na makapagtanim ng isang milyon na puno sa taong 2022 kaugnay na rin sa National Greening Program ng gobyerno.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleLifting of moratorium on live pig imports seen to benefit local hog raisers
Next articlePalawan barangay captains want Barangay Elections postponed
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.