Nov 26, 2020

19 anyos arestado sa buy-bust sa Coron

Nahuli ang suspek matapos makabili ang police asset ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P1,000.

(Photo courtesy of P/Maj. Thirz Starky Timbancaya)

Isang 19-taong gulang na residente ng Barangay Poblacion 1 sa bayan ng Coron ang nahuli ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation noong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Maj. Thirz Starky Timbancaya, hepe ng Coron Municipal Police Station ang suspek na si Jaype Cabading Gutierez.

Nahuli ang suspek matapos makabili ang police asset ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P1,000.

Nakuha rin sa kustodiya ng suspek ang 10 pang mga sachet ng hinihinalang shabu, 2000 Indonesian currency, Apple Tablet, Toshiba laptop at charger.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry