30 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

147 mag-aaral sa Bataraza, tinulungan sa libreng gabay sa pagbasa

Umabot sa 147 mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Bataraza, Palawan, ang nakinabang sa libreng gabay sa pagbasa sa pamamagitan ng Community Brigada Pagbasa na nilahukan ng mga tauhan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC) noong Oktubre 17.

Ayon sa 1st Palawan PMFC, bahagi ang aktibidad ng ikaanim na batch ng programa na naglalayong tulungan ang mga batang nahihirapang bumasa upang makahabol sa kanilang mga kaklase.

Inilarawan ng pulisya ang programa bilang isang best practice at personal na inisyatibo ng isang guro sa labas ng regular nitong oras ng pagtuturo. Accredited din umano ito ng Department of Education (DepEd).

Katuwang ng mga tauhan ng 1st Palawan PMFC sa aktibidad ang 33 volunteer teachers at mga graduating college student na tumulong sa pagtuturo at paggabay sa mga mag-aaral.

- Advertisement -

Binigyang-diin ng pulisya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga guro, boluntaryo, kapulisan at komunidad upang matugunan ang pangangailangan ng mga batang nangangailangan ng dagdag na suporta sa pag-aaral.

“Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kepulisya, mga guro, boluntaryo, at ng buong pamayanan, matutulungan natin ang mga mag-aaral na nahihirapan na magkaroon ng kumpiyansa sa sarili, mapalakas ang kanilang kaalamang akademiko, at magsikap para sa mas maliwanag na kinabukasan,” ayon sa pahayag ng 1st Palawan PMFC.

Ayon pa sa yunit, layunin din ng programa na iparamdam sa mga bata na may mga taong handang gumabay at sumuporta sa kanilang pag-aaral at mga pangarap.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Ruil Alabi
Ruil Alabi
is Palawan News’ correspondent in Southern Palawan, covering local news across the municipalities in the area. He also reports on agriculture and has a keen interest in food and technology.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img