Sep 29, 2020

119th CSC Anniversary Job Fair, isinagawa sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro – Ginanap sa Gov. Alfonso L Umali Sr. Memorial Gymnasium ang 2019 2nd Regional Government Job Fair na pinangunahan ng Civil Service Commission bilang pagdiriwang ng ika-119 annibersaryo ng pagkakatatag nito.

Inaalalayan ni Calapan City PWD Focal Person G. Quirino Manzano ang isang kapwa niya PWD na nagpapalista at naghahangad na makapagtrabaho sa kasalukuyang ginaganap na 2nd Regional Government Job Fair sa OMNHS Gymnasium bilang selebrasyon ng ika-119 CSC Anniversary. (Larawan ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro – Ginanap sa Gov. Alfonso L Umali Sr. Memorial Gymnasium ang 2019 2nd Regional Government Job Fair na pinangunahan ng Civil Service Commission bilang pagdiriwang ng ika-119 annibersaryo ng pagkakatatag nito.

May banda ang mga estudyante ng OMNHS upang maaliw ang mga aplikante. Dumating ang grupo mula sa 15 bayan ng Oriental Mindoro na nagbabaka-sakali na isa sila sa papalarin maka pasok ng trabaho.

Kahit mga PWDs at IPs ay inaanyayahan na mag apply dahil marami din sa kanila ang may kakayahan pang mag trabaho at hindi iniinda ang kapansanan.

Pinasimulan sa pamamagitan ng maikling programa ang Jobs Fair na ginanap mula 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. (DN/PIA-OrMin)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry