26.8 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

₱6,000 quarterly allowance sa Puerto Princesa, kailangan pa ng pondo at pag-apruba

Kailangan pang dumaan sa budget deliberation at pag-apruba ng pondo ang panukalang ₱6,000 quarterly allowance para sa mga kwalipikadong senior citizen, PWD, solo parent, at barangay tanod sa Puerto Princesa bago ito maipatupad sa 2027.

Natalakay na sa Sangguniang Panlungsod ang panukalang doblehin ang kasalukuyang ₱3,000 allowance kada tatlong buwan sa ilalim ng Mapagkalingang Programa, ayon sa City Information Office (CIO).

Ayon kay Councilor Jonjie Rodriguez, magsisimula sa susunod na buwan ang budget deliberation para sa susunod na taon.

“Beginning next month magsisimula na kami ng budget deliberation,” ani Rodriguez.

- Advertisement -

Nakatakdang suriin ng Committee on Appropriations ang panukala para sa pagsasama nito sa 2027 annual budget ng city government.

Sa panayam, tinukoy ni Rodriguez ang ₱6,000 bilang allowance na isinusulong para sa mga benepisyaryo sa susunod na taon.

“Yes, may next year. Lahat sila, 6,000 ang kanilang allowance,” aniya.

Layunin ng pagtaas na makatulong sa mga benepisyaryo sa pagharap sa presyo ng mga bilihin at iba pang pangangailangan.

Panukala pa lamang ang ₱6,000 allowance at kailangan pang dumaan sa pagsusuri at budget deliberation.

Kasama sa mga susunod na pagdinig ang bilang ng barangay tanod na maaaring saklawin ng programa.

May itinakdang bilang ng mga tanod na kinikilala para sa ilang benepisyo, ngunit may mga barangay na nangangailangan ng mas marami dahil sa lawak ng kanilang nasasakupan.

Pag-aaralan din ang paggamit ng digital o ATM-based na sistema para sa pag-credit ng allowance sa mga account ng kwalipikadong benepisyaryo.

Nauna nang inanunsyo ni Mayor Lucilo Bayron ang planong itaas sa ₱6,000 ang quarterly allowance ng senior citizens, PWDs, at solo parents sa 2027.

Kasabay nito, sinabi niyang sisimulan sa fourth quarter ng 2026 ang digital payout bilang paghahanda sa pagtaas.

Ginawa ni Bayron ang anunsiyo sa pamamahagi ng allowance noong August 22 at 23.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Celeste Anna Formoso
Celeste Anna Formosohttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and the managing editor of Palawan News, a regional publication based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. Since joining the news organization in January 2019, she has overseen its editorial operations, contributing to its growth and reputation for in-depth local reporting. Her journalism spans a wide array of topics, including politics, environmental issues, defense, and public health.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img