27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

DTI-Palawan sa mga tindahan: Presyo tumaas? Ipaliwanag dapat

Pinagpapaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI)-Palawan ang mga tindahan tungkol sa mga presyong napupuna sa kanilang pagmamanman, habang naghahanda ang ahensya sa pag-inspeksyon ng mga produktong pang-Pasko sa November at December.

Ayon kay DTI-Palawan Provincial Director Hazel DP Dalvador, nagpapadala sila ng Letter of Inquiry sa mga establisimyento kapag lumampas ang presyo sa tinukoy niyang 10% na antas, kahit ilang sentimo lamang ang sobra.

“Mula 10 centavos lang na lumampas dun sa 10%, pinapadalahan na po namin agad ng Letter of Inquiry… ultimo 10 centimo, 50 centimo, 25 centimo, 30 centimo, 40 centimo, tinatanong na namin yun,” ani Dalvador sa Kapihan sa PIA noong October 1.

Saklaw ng pagmamanman ang mga supermarket at iba pang tindahan. Sa pamamagitan ng sulat, hinihingan ng paliwanag ang mga negosyo tungkol sa kanilang presyo.

- Advertisement -

Sinabi ni Dalvador na may mga tindahang nagsusumite ng mga dokumento bilang suporta sa kanilang paliwanag. Mayroon ding umaaming nagkamali sa paglalagay ng presyo at itinatama ito.

“…So immediately tinatanggal nila, binabago nila yung mga presyo. So far po sa experience po sa ating mga mino-monitor, registered malalaking establishments… sumusunod po talaga sila,” aniya.

Sa November at December, tututukan naman ng DTI-Palawan ang mga produktong pang-Noche Buena, Christmas lights at paputok.

“Dahil ano, para sa Pasko… Sa DTI may regular monitoring siya November and December para doun sa Noche Buena at yung sa mga Christmas lights, ang mga firecrackers,” ani Dalvador.

Iinspeksyunin din ang mga nagtitinda ng paputok, lalo na sa December, upang tingnan kung sumusunod sila sa mga itinakdang rekisito.

“Usually December… Iikutan pa nila yung mga nagtitinda ng mga firecrackers,” aniya.

Samantala, walang Diskwento Caravan na gaganapin sa Palawan ngayong taon dahil sa pag-ikot ng pondo sa limang lalawigan ng MIMAROPA.

Nag-aalok ang programa ng mga produktong may diskuwento para sa mga mamimili.

Tinalakay ang mga hakbang sa Kapihan sa PIA, na isinagawa ng Philippine Information Agency-Palawan at SM City Puerto Princesa bilang bahagi ng Consumer Welfare Month ngayong October.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img