Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ni Executive Assistant III Christian Albert Sabando Miguel bilang kinatawan ni Governor Victorino Dennis Socrates sa isinagawang ‘abot-kamaY na Ayuda KAlingang Pambarangay (YAKAP) Project’ na ginanap nitong Marso 21-22, 2023, sa Covered Court ng Brgy. Binga sa bayan ng San Vicente.

Layunin ng naturang proyekto na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng bayan ng San Vicente sa pamamagitan ng pagkakaroon ng one-stop shop venue.

Ilan lamang sa mga serbisyong hatid ng proyektong YAKAP ay ang medical at dental mission, business one-stop-shop; municipal ID registration; sim card registration, at lecture series kabilang na rin ang information education campaigns patungkol sa Violence Against Women and their Children (VAWC).

Sa mensahe ng Gobernador na ipinarating ni Miguel, lubos ang pasasalamat nito sa LGU- San Vicente sa pamumuno ni Mayor Amy Roa Alvarez sa pagkakaroon ng ganitong inisyatibo na mailapit ang serbisyong pampubliko sa mga mamamayan na isa rin sa mga layunin ng Pamahalaang Panlalawigan.

“Sa puntong ito, nais ko pong pasalamatan ang masigasig na alkade ng bayan ng San Vicente, Mayor Amy Alvarez- maraming salamat po sapagkat nabigyang katuparan ang adhikain ng ating mga kababayan na mailapit ang serbisyo-publiko ng ating gobyerno.”

Ang YAKAP Project o abot-kamaY na Ayuda KAlingang Pambarangay ay proyekto ng kasalukuyang administrasyon sa nasabing bayan katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.

About Post Author

Previous articlePH should commit to be “good neighbor” and to be on “the right path,” says Chinese diplomat
Next articleAgutaya, Taytay residents affected by oil spill get cash aid, food assistance from DSWD