Ipinagdiwang ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ang World Rabies Day sa bayan ng Sofronio Española kamakailan lang upang makibahagi sa international awareness campaign ng Global Alliance for Rabies Control para sa kaligtasan ng mga mamamayan laban sa rabies.

Sinimulan ang naturang pagdiriwang noong September 28 sa pamamagitan ng isang motorcade, at pagkatapos ay nagsagawa ng isang forum na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay at barangay veterinary aides, upang pag-usapan ang pagpapalawak ng programa kaugnay sa rabies prevention sa mga barangay.

Kaalinsabay ng nasabing forum ay nagsagawa rin ng pagbabakuna ng mga aso at pusa sa nasabing bayan.

“Isinasagawa ang ganitong aktibidad upang lalo pang maipalaganap ang awareness sa rabies at mahikayat ang lahat na maging responsableng pet owners sa pamamagitan nang pagpapabakuna sa mga alagang hayop,” pahayag ni Dr. Darius Mangcucang ng ProVet.

- Advertisement -

“Mahalaga ang ganitong aktibidad upang maging aware ang mga mamamayan kaugnay sa rabies at mabawasan ang gastos ng gobyerno at sa halip ay mapunta ito sa mas nangangailangang sektor at lalo pa ang kaligtasan ng kanilang mga alagang hayop pati na rin ang kanilang mga amo,” dagdag niya.

Ayon pa kay Mangcucang, isa ang Sofronio Española sa lalawigan ng Palawan na may mataas aniya na animal bites na naitala batay sa datos ng Municipal Health Office (MHO).

Samantala, tinalakay din ang patuloy pang pagpapaala-ala ng naturang tanggapan patungkol sa Republic Act 9482  o ang Anti-Rabies Act of 2007, na nagpapataw ng multa sa sinumang ayaw iparehistro at pabakunahan ang mga alagang aso o pusa, at iba pang mga alituntunin dito.

Previous article3 easy ways to escape WFH stress without leaving your house
Next articleLalaki sugatan matapos maaksidente sa Malvar Street
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.