Dalawang indibidwal ang kritikal ang lagay sa ospital dahil sa aksidente ng motorsiklo sa kurbadang bahagi ng kalsada ng Barangay New Agutaya sa bayan ng San Vicente, bandang 2:40 kahapon, Mayo 19.

Ang mga kritikal ang kalagayan sa ospital sa Puerto Princesa City ay sina Jeorge Bacosa Decolongon, 69, at Lourence Casompol Libarra, 18, ayon sa spot report na ibinahagi ni P/Maj. Thirz Starky Timbancaya, hepe ng San Vicente Municipal Police Station (MPS).

Nakasaad sa spot report na itinuturing na suspek si Libarra na ang minamaneho ay isang Honda TMX at biktima si Decolongon.

Sa video na ito ay mapapanood ang ilang eksena sa pangyayari. Maririnig din ang isang babae na sumisigaw at humihingi ng tulong sa ibang residente para tumawag ng ambulansya. Ilan din ang nagpipigil na galawin ang biktima o ang gumalaw ito. (Video courtesy of P/Maj. Thirz Starky Timbancaya)

- Advertisement -

Mayroong angkas si Libarra, ngunit wala itong tinamong sugat at ligtas. Hindi na ito pinangalanan sa spot report ng San Vicente MPS.

Ayon sa paunang imbestigasyon nina Timbancaya, patungo si Decolongon sa Poblacion, San Vicente, sakay ng kanyang Honda Beat 110 ng diumano ay mabangga ito nang mabilis na nagpapatakbo na si Libarra sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. New Agutaya.

“Itong biktima (Decolongon) galing ng Alimanguan pauwi na sana sa bayan sa Sityo Panindigan. Ang suspek naman galing sa bayan pauwi naman ng Brgy. Canipo. Sharp curve kasi ang lugar kung saan nagkabungguan. Nakapagkwento pa ang biktima sa mga witness… sobrang bilis daw [ng suspek], nakita niya na lang patumbok sa kanya ang kasalubong,“ pahayag ni Timbancaya

“Ang matanda, makikita na matindi talaga ang tama kaya agad na dinala sa Puerto, pero ang suspek, dito na napansin na lumalabas na ang dugo sa ilong dahil na hampas din daw sa semento ang ulo,” dagdag niya.

Pahayag ni Timbancaya, nakahanda ang kanilang imbestigador kaugnay sa plano ng pamilya ni Decolongon na sampahan ng kaso si Libarra, lalo na’t nasa impluwensya ito ng alak.

Maaari siyang maharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to property dahil siya ay pinaniniwalaang lasing.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay walang ulat kung ano na ang kalagayan ni Decolongon sa ospital.

Previous articleSlices of summer at the SM Store
Next articleCapitol to undertake prov’l immunization week in 11 towns with low vaxx rates
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.