Isang lalaki na wanted sa pag-smuggle ng 135 boxes ng sigarilyo ang naaresto ng awtoridad sa Barangay Poblacion 4 sa bayan ng Balabac, nitong araw ng Biyernes, Marso 4.

Ang suspek ay kinilalang si Moli Duro Jabbar, 44 taong gulang, na inaresto dahil sa paglabag sa Section 6 ng Republic Act 10643, o The Graphic Health Warnings Law.

Si Jabbar ay dinakip sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Evelyn C. Cañete ng 9th Municipal Circuit Trial Court of Brooke’s Point, Palawan, na may petsang July 12, 2021, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P30,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.

Ayon sa kay P/Lt. Mark Sigue, hepe ng Balabac Municipal Police Station (MPS), June 19, 2019, pa nang maharang sa pantalan ng Sityo Marabon, Barangay Bancalaan si Jabbar sakay ng bangka kung saan nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang mga smuggled na sigarliyo, subalit nakatakas ito kasama ang kanyang kapatid na kinilalang si Budjie Jabbar.

Si Budjie ay nauna nang naaresto ng mga awtoridad dahil sa paglabag, ayon kay Sigue.

“Alledgedly, galing sa Mindanao, partikular sa Sulu. Itong mga sigarilyo na sakay ng bangka na lang ang naabutan sa pantalan ng Sitio Marabon, Brgy. Bancalaan. Nasa 135 boxes ito ng assorted na sigarilyo. Mga naangkat nila ito galing sa ibang bansa, tapos dinadaan sa Mindanao saka pinapasok dito [sa Balabac],” pahayag ni Sigue.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Balabac MPS para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleMayor’s Award presented to outstanding individuals, orgs in Puerto Princesa
Next articleCentino to WESCOM: Get Ka Miggy; secure elections
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.