Jul 8, 2020

Wanted sa kasong frustrated murder, inaresto sa El Nido

Ayon kay El Nido acting chief P/Major Bronson Carampto, ang suspek ay isa sa mga “most wanted person” na nasa listahan ng pulisya

(Photo courtesy of MPS EL Nido)

 

 

EL NIDO, Palawan — Isang magsasaka na may warrant of arrest ang inaresto ng mga operatiba ng pulisya dito noong araw ng Linggo (June 28) ng hapon sa Sitio Taberna, Barangay Barotuan dahil sa hinaharap nitong kasong frustrated murder.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rosellier dela Peña Flores, 21, na nakatira rin sa naturang barangay.

Ayon kay El Nido acting chief P/Major Bronson Carampto, ang suspek ay isa sa mga “most wanted person” na nasa listahan ng pulisya.

Ang suspek ay may warrant of arrest na ipinalabas at pirmado ni Judge Emmanuel Artazo ng korte sa bayan ng Taytay, Branch 14FC. Kasalukuyan itong nasa pangangalaga ngayon ng pulisya sa El Nido upang haharapin ang kanyang kaso sa takdang panahon.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry