Most wanted ng Mindoro, huli sa Palawan


Inaresto ng mga awtoridad ang isang suspek na kabilang sa Top 2 Most Wanted sa Occidental Mindoro nitong ika 5 ng Marso ng gabi sa bayan ng Dumaran.

Ang suspek ay nakilalang ang 47 anyos na negosyante na si Nolito Saso nakatira sa Brgy. Marikit, Paluan, Occidental Mindoro. Siya ay nahaharap sa kasong robbery with intimidation. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Ulysses Delgado RTC Branch 44, 4TH Judicial Region Mamburao Occidental Mindoro noong taong 2016 o dalawang taon na ang nakalipas.

Ayon kay PSI Ric Ramos, information officer ng Palawan Provincial Police Office,  si Saso ay nasa Top 2 Most Wanted Municipal Level ng Occidental Mindoro at nahuli ito  sa Brgy. Magsaysay Dumaran.

Kasalukuyang nasa Dumaran Municipal Police Station ang suspek bago siya dadalhin sa Mamburao, Occidental Mindoro.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...