Inaresto ang isang pastor sa labas ng isang mall sa Barangay San Manuel dito sa Puerto Princesa City kahapon dahil sa patung-patong na mga kaso nang paggawa nang kahalayan at panggagahasa na isinampa ng biktima niya na menor de edad noong nakaraang taon.

Sa spot report na ibinahagi sa mga lokal na mamamahayag ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), kahapon din, araw ng Lunes (Marso 14), sa pamamagitan nang tagapagsalita nito na si P/Lt. Col. Alonso Tabi, ay kinilala ang suspek na itinuturing na No. 6 most wanted sa provincial level bilang si Samuel Dancil Alejandro, alyas Sam Alejandro, 52, residente ng Barangay Tiniguiban.

Inaresto si Alejandro bandang 4:50 ng hapon sa labas ng Robinsons Place sa Barangay San Manuel ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Palawan PFU, katuwang ang PPCPO, CIU, at PIDMU.

Ang pag-aresto ay matapos isilbi sa kanya ang warrant na ibinaba ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng Branch 47 ng Palawan Regional Trial Court (RTC) na may petsang Oktubre 12, 2021, para sa four counts nang panggagahasa at four counts din nang paggawa ng kahalayan (acts of lasciviousness) sa kanyang biktima na 16 taong gulang.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Alejandro sa kasong panggagahasa, ngunit P36,000 ang inirekomenda para sa bawat kaso ng paggawa nang kahalayan. Habang isinusulat ang balita na ito ay nasa kustodiya siya ng CIDG.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Palawan News mula sa isang source na hindi puwedeng banggitin ang pangalan sa ngayon, ang biktima diumano ay miyembro ng simbahan kung saan nagsisilbing pastor si Alejandro sa Barangay Magbabadil, Aborlan.

Kahapon bago inaaresto si Alejandro ay nakipagkita umano ito sa kanyang biktima sa mall para papirmahin sa affidavit of desistance para iatras ang mga kaso.

“Ang victim niya 16 years old, pastor kasi siya sa Magbabadil. Kasama niya din kasi sa ano — ang mga magulang. Doon niya pinatira sa bahay niya, doon nangyari ang panghahalay,” pahayag ng source.

“Kinakausap niya kasi ang biktima doon sa loob ng mall para papirmahin ng [affidavit of desistance], tapos ang mga pulis naghihintay na sa labas ng mall, at doon siya inaresto,” dagdag nito.

Previous articleCity gov’t to allocate funds for fuel subsidy PUV, multicab, tricycle drivers and operators
Next articleCloudy to gloomy skies with scattered rains over Palawan due to localized thunderstorms
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.