Ang suspek ay kinilalang si John Boy Balahim, residente ng Sitio Simunong, Barangay Sowangan.

Inaresto ang isang 22 taong gulang na mangingisda sa Sitio Simunong, Barangay Sowangan, noong nakalipas na Linggo dahil sa kasong direct assault.

Ang suspek ay kinilalang si John Boy Balahim, residente ng naturang barangay. Inaresto siya sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Evelyn Cañete, acting presiding judge ng 4th Judicial Region, 6th Municipal Circuit Trial Court ng Quezon-Dr. Jose P Rizal- Kalayaan, Quezon, Palawan.

Nilabag diumano ni Balahim ang Article 148 na may kaugnayan sa direct assault sa Revised Penal Code (RPC). May rekomendasyon naman na P30,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

- Advertisement -

Previous articleDTI issues COVID-19 safety seals to 41 Palawan establishments
Next articleKatawan ng lalaki natagpuan sa baybayin ng Taytay
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.