Kumpiskado ng mga awtoridad ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu matapos sana ay maghain lamang ang mga ito ng warrant of arrest sa kanilang target sa Kabayan Subdivision, Purok Masagana, Brgy. San Pedro, kahapon, January 12.

Ihahain sana ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa 33 taong gulang na si Roderick Lim Ebua, alyas Bimbim, na kasalukuyang pinaghahanap at itinuturing ng PNP bilang high-valued individual (HVI) nang subukan itong pigilan sa pamamagitan ng paglaban sa mga pulis ng 34 taong gulang na si John Mark Largo Requela.

Si Requela ay kasalukuyang under probation sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of the Philippines.

Kakaharap si Ebua sa panibagong kaso ng paglabag dahil sa pag-iingat ng dangerous drugs, samantalang kakaharap si Requela sa kasong obstruction of justice.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Puerto Princesa City Police Station 1 ang dalawang lalaki.

About Post Author

Previous articleLegarda bats for LGU participation in cultural mapping
Next articleChinese national na empleyado ng DMCI, patay matapos maglakad-lakad sa tabing dagat
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.