Dinakip ng operatiba ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2ND SOU-MG) ang walong indibidwal matapos mahulihan ng smuggled na sigarilyo sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay Malihud, bayan ng Bataraza, noong araw ng Martes, Disyembre 7.

Unang naaresto ng mga operatiba ang tatlong indibidwal sakay ng isang bangkang de-motor sa bisinidad ng karagatan na sakop ng Malihud. Ang tatlo ay kinilalang sina Masil Lasad, 23 taong gulang; Elah Jamila, 20 taong gulang; at Harwin Doro, 23 taong gulang; mga residente ng Sitio Matangule, Brgy. Bancalaan, sa natura din na bayan.

Kasunod nito ay nasabat din ng mga operatiba ang lima pang indibidwal na kinilalang sina Abbay Casim, 25; Jirol Bizih Sala, 41; Jay-ar Saif, 30; mga residente ng nasabing barangay; Majirun Oro Hasim, 46, residente ng Brgy. Saraza, Brooke’s Point; at sina Romel Kunsian Jero, 21, residente ng Sitio Kayasyasan, Brgy. Rio Tuba, Bataraza sakay ng isang Toyota Grandia at isang tricycle.

- Advertisement -

Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang na 25 box ng assorted smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng P250,000.

Maliban dito, kinumpiska rin ng awtoridad ang bangka, Toyota Grandia, at ang tricycle na gamit ng mga suspek.

Ang tatlong naunang nadakip ay dinala ng operatiba sa 2nd SOU-MG Brooke’s Point Mobile Station, samantalang ang limang iba pa ay nasa kustodiya ngayon ng 2nd SOU-MG Rio Tuba Detachment sa bayan ng Bataraza para sa kaukulang disposisyon, habang inihahanda ang kasong paglabag sa section 1401 (Unlawful Importation or Exportation) at section 1404 (Failure to Declare Baggage) ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act laban sa kanila.

Previous articleMARITES
Next articleFarmers to forge marketing agreement with gov’t agencies for better income
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.