Baha sa Maasin Bridge sa bayan ng Brooke's Point.

BROOKE’S POINT, Palawan — Suspendido ang pasok sa lahat ng municipal government offices at paaralan sa bayan na ito ngayong araw, October 11, dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Ito ang maagang anunsiyo ng Municipal Information Office (MIO) ng lokal na pamahalaan na pinangungunahan ni acting municipal mayor Georjalyn Joy Quiachon.

“Dahil sa malakas na ulan at pagbaha, lahat ng trabaho sa mga government office at paaralan sa bayan ng Brooke’s Point ay suspended,” ayon sa pahayag ng MIO.

Nakaantabay din umano ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at mga volunteer para sa mabilis na pagresponde kung sakali mang magkaroon nang pagtaas ng tubig o pagbaha  sa 18 baranggay na sakop ng bayan.

Patuloy naman na pinag-iingat ang mga mamayan at hinihimok na agad na i-report ang mga pagbaha na nangangailangan nang agarang aksiyon.

Ayon sa MIO, maaaring mag-report ang mga residente sa pamamagitan ng messenger nang mga makikita nilang pagbaha.

Previous articleGroups denounce sale of ‘some candy’, urge authorities to keep candy cigarettes of the market
Next articleThe Palawan Provincial Electoral Landscape
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.