Ipinag-utos ni Roxas mayor Dennis Sabando ang pag-suspendi sa lahat ng klase sa pribado at pampublikong eskwelahan sa buong bayan dahil sa bagyong Odette simula bukas, December 17.

Ang pag-utos ay sa pamamagitan ng pag-isyu ng Executive Order No. 066, ayon kay Roxas municipal administrator Vic Lagera.

Ang pasok naman sa mga pribado at tanggapan ng gobyerno ay nasa discretion ng mga heads of offices, maliban doon sa mga opisina na kailangang pumasok dahil sila ay may gagampanang tungkulin sa pag-siguro ng kaligtasan ng mga residente sa panahon ng kalamidad.

- Advertisement -

Ayon pa rin kay Lagera, ililikas lahat ng mga residente sa mga island barangay simula nang madaling araw ng December 17 dahil sa inaasahang pagtama ng bagyong Odette sa mainland Palawan.

“Bukas nang madaling araw sisimulan na namin maghakot ng mga residente mula sa mga islang barangay kasi ngayon sobrang maalon, so bukas na lang nang madaling araw hanggang 9 a.m. hahakutin namin ang mga nasa isla,” pahayag niya.

“Composite po yung naka-abang natin ngayon sa pier, ang mga pulis, Coast Guard, MDRRMO, MSWDO, BFP, health — sa ngayon ang monitoring namin sa mga island area at barangay by means of barangay officials,“ dagdag ni Lagera.

Ayon pa kay Lagera, hindi lahat ng residente ay mapapasang-ayon sa pilitang likas mula isla papuntang evacuation area, ngunit siniguro niyang pipilitin nilang lahat ang mga babae, senior, at mga bata ay mailikas at yung mga lalaki lamang or head of families ang papayagan magpaiwan.

Aniya pa, nakabantay ang MDRRMO sa mga flood-prone areas tulad ng Dumarao, Tumarbong, Mendoza, Bagong Bayan, Magara, New Cuyo, San Isidro, at iba pa.

Previous articleSIM Card Registration Act gets Senate’s final nod
Next articleNorthern Palawan towns, Puerto Princesa under Signal No. 3; the rest under Signal No. 2
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.