Personal na nai-turn over ni Sheila P. Santiago, (gitna) VPSO/Operations Officer ng OVP Disaster Operation Center sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan nitong Enero a-diyes ang mga donasyong bigas ni Bise Presidente Sara Duterte. Tinanggap ito nina Provincia Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco (pangalawa sa kaliwa), Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablana (pangalawa sa kanan) at PDRRM Office Jerry Alili (Kanan). | Larawan mula sa PIO-Palawan

Nagkaloob ng nasa 368 na sako ng bigas ang tanggapan ni Bise Presidente Sara Duterte para sa mga naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha sa bahaging Sur ng lalawigan ng Palawan sanhi ng Low Pressure Area (LPA) nitong nakalipas na linggo.

Ang naturang tulong mula sa Bise Presidente ay personal na nai-turn over ni Sheila P. Santiago, VPSO/Operations Officer ng OVP Disaster Operation Center sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan nitong Enero 10, kung saan inilagak ang mga ito sa PDRRMO Headquarters sa Barangay Irawan, Lungsod ng Puerto Princesa.

Malugod itong tinanggap nina Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail D. Ablaña, Provincial Information Officer Atty. Christian Jay V. Cojamco at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jeremias Y. Alili.

Ang mga bigas ay ipapamahagi sa mga residente ng bayan ng Brooke’s Point at Sofronio Española na naapektuhan ng pagbaha.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng Provincial Information Office (PIO), ang 368 na sako ng bigas ay paunang tulong pa lamang ng tanggapan ng Bise Presidente at may 175 pa na sako ng bigas ang karagdagang ipagkakaloob para sa Palawan ayon na rin sa kumpirmasyon ni Santiago.

Samantala, ipinarating naman ni PIO Cojamco ang pasasalamat ni Gob. Victorino Dennis M. Socrates sa tulong na ipinagkaloob ng tanggapan ng Bise Presidente para sa mga Palawenyo. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

About Post Author

Previous articleDefensive driving safety training para sa OSY, isinagawa sa El Nido
Next articleGerman vlogger nabbed for sexual assault of minor