Nagpasalamat sa kanyang mga taga-suporta at mga residente ng bayan ng Sofronio Española, at empleyado ng Sangguniang Bayan si outgoing Vice Mayor Rona Chou sa pagbibigay nila ng pagkakataon sa kanya na sila ay pagsilbihan.

Ayon kay Chou, hindi man siya pinadalad sa nakalipas na eleksyon ay pinasasalamatan niya na mapagsilbihan sila at makatrabaho sa loob ng siyam na taon bilang tagapamuno ng 10th Sanguniang Bayan sa kaniyang nalalabing isang buwan bilang isang presiding officer.

Aniya, siyam na taon niyang ginugol ang sarili para sa pagbibigay ng paglilingkod bilang bise mayor ng bayan sa pamamagitan ng magandang relasyon sa Sangguniang Bayan upang makabalangkas ng maraming ordinansa at resolusyon na makakatulong sa komunidad at sa pamahalaang lokal.

“Salamat sa kanilang matatalinong kontribusyon sa ating bayan at mamamayan, mga panukala at naipanukalang mga ordinansa,” pahayag ni Chou.

- Advertisement -

Si Chou ay tumakbo sa pagka mayor ng bayan nitong nakalipas na halalan ngunit hindi ito pinalad. Naupo ito bilang bise mayor taong 2013 at matatapos nayong Hunyo 30 ang kaniyang ikatlong termino.

Aniya, sa kaniyang pagbaba sa June 30 ay magkakaroon na siyang muli ng maraming oras at matutukan ang kaniyang mga anak at ang buong pamilya nito.

Dagdag niya, maaari ka pa ring tumulong sa taong hihingi ng tulong bagamat wala ka na sa larangan ng pulitika.

Previous articleDAR’s mega-farm project for P20/kilo rice gets farmers’ support
Next articleWinning provincial candidates beat June 8 deadline for SOCE filing
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.