Hihikayatin ni Vice Mayor Jaja Ordinario Quiachon-Abarca ng bayan ng Brooke’s Point ang mga miyembro ng kanilang Sangguniang Bayan na magpasa ng ordinansa para ipagbawal ang videoke at iba pang ingay na maaaring makagambala sa oras ng distance learning activities ng mga estudyante.
Ayon kay Abarca sa panayam ng Palawan News noong Lunes, gagawin niya ang paghikayat dahil talagang dapat na walang nakakaistorbo sa mga bata habang sila ay nag-aaral under new normal sa kanilang mga bahay at bilang pagtalima rin sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government unit (LGU).
“Maganda ito at ako mismo ang maghihikayat sa Council ko na mag-create ng ganitong klaseng ordinansa. Nagpapakita naman ito ng ating pagsuporta sa mga bata, mas makaka-focus sila habang nasa bahay kung walang mga ganitong klaseng ingay sa paligid,” sabi ni Abarca.
Aniya, wala pang naipapasang ordinansa laban sa pagvi-videoke sa panahong nag-aaral ang mga bata, kaya pangungunahan na niyang hikayatin ang kanyang mga kasamahan sa municipal council.
Kailan lang ay hinikayat ng DILG ang mga LGU na magpasa ng ordinansa laban sa ingay na maaaring gumambala sa pag-aaral ng mga estudyante.
Sabi ni DILG Sec. Eduardo AƱo, ang sobrang lakas ng mga tunog na nagmumula sa mga videoke ay makakaapekto sa learning continuity ng mga bata na sa kanilang mga bahay isinasagawa ang pag-aaral dahil sa pandemya.
āBilang mga disiplinado at responsableng mga magulang at mamamayan, tulungan natin ang ating mga estudyante na mabigyan ng tahimik at payapa na kapaligiran para sila ay makapag-aral ng mabuti sa kani-kanilang mga tahanan,ā sabi ni AƱo sa kanyang statement sa DILG website noong October 7.
Ginawa ni AƱo ang kanyang anunsyo bilang suporta sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) General Camilo Pancratius Cascolan sa kanyang mga municipal headquarters sa buong bansa na gumawa ng koordinasyon sa mga LGU para sa pagpasa ng ordinansa.