Arestado ang isang vendor sa bayan ng El Nido matapos itong mabilhan ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis kagabi, January 24.

Kinilala ang suspek na si Sonny Aralahi Aspari, 43 taong gulang.

Nabili sa lalaki ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu, na nagkakahalaga ng P2,500.

Maliban dito, nakumpiska din sa kanya ang nasa 10 gramo ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P5,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng El Nido Municipal Police Station ang nasabing vendor at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Art II ng RA 9165 o paglabag sa Dangerous Drugs Act of the Philippines.

About Post Author

Previous articlePolice roundup: Magkapatid na most wanted, arestado sa Puerto Princesa
Next articleResidents of Brgy. Sta. Lourdes receive grocery items from PALECO
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.