- Advertisement by Google -

Isang vehicular accident ang naganap sa bayan ng El Nido noong July 22 matapos pakialaman ng 18 taong gulang na carwash boy ang sasakyang Suzuki Jimny na naka parke sa Lolo Cidoy Car Wash sa Barangay Corong-Corong.

Ayon sa ulat mula sa Police Provincial Office (PPO), pinatakbo ng carwash boy na si Mac Diego Maceda ang isang itim na Suzuki Jimny na pag-aari ni Rosie Mercado Bienz nang walang paalam bandang alas 9 ng gabi.

Dahil sa pangyayari, nabangga ng Suzuki Jimny ang isang naka parke na Mitsubishi Xpander na pag-aari ni Maria Carmela Bolos Lucena, residente ng Brgy. Corong-Corong.

Ayon pa sa ulat ng PPO, si Maceda ay walang lisensya ng imaneho nito ang Suzuki Jimny. Hindi naman ito nasaktan sa aksidente.

Habang isinusulat ang balita na ito ay nasa El Nido MPS ang mga sasakyan.

- Advertisement -

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleDepEd suggests alternative options to enroll
Next articleDOH assures preparedness to combat monkeypox global emergency