Magpapatuloy sa ikatlong linggo ng buwan ng Mayo ang vaccination rollout ng Municipal Health Office (MHO) sa bayan ng Rizal upang mabigyan na ng unang dose ng bakuna ang mga natitira pang health frontliners at senior citizens na nakapaloob sa kanilang listahan ng priority group.

Ang nasabing bayan ay mayroong humigit kumulang 815 na health frontliners habang nasa mahigit 3,207 ang senior citizens sa kanilang priority na nakapaloob sa A1 at A2 priority group ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Dr. Kathreen Luz Micu, Municipal Health Officer ng Rizal, nakapagbigay na sila ng unang dose ng bakuna sa mahigit 300 frontliners ng bayan noong buwan ng Abril at ipagpapatuloy ito ngayong buwan ng Mayo.

Ani ni Micu, ngayong Mayo 18 ay nakatakda ang pagbibigay ng second dose ng bakuna sa mga frontliners sa mga barangay ng Bunog at Iraan, habang sa Mayo 19 ang unang dose sa Canipaan at Panalingaan, sa Mayo 20 ay sa Latud at Taburi, at sa Mayo 21 naman ay Culasian at Ransang.

“Tuloy-tuloy ang vaccination natin sa Rizal, Astrazeneca at Sinovac ito. Nagsimula noong March-April, kung saan, 306 frontliners ang nabigyan natin at ngayong buwan ng May kasama na ang mga A2 priority natin na senior citizens sa mga barangay na naibigay na natin ang schedule,” ani Micu.

“Nakadepende naman tayo sa bakuna. Umaasa tayo matapos natin ang vaccination na nakapaloob sa ating listing priority,” dagdag niya.

Dagdag pa ni Micu, umaasa siyang manatiling sumuporta ang mga mamamayan ng Rizal sa ginagawa nilang vaccination rollout sa lahat ng frontliners at senior citizens upang maging ligtas ang lahat sa banta ng COVID-19.

“Naniniwala tayo na malaki ang magagawa ng bakuna para maging ligtas po ang lahat hindi lamang ang aming bayan ngunit buong lalawigan ng Palawan,” dagdag pa ni Micu.

Ngayong buwan ng Mayo ay nananatiling COVID-19 free ang bayan ng Rizal.

Buwan ng Pebrero ngayong taon ang pinakahuling naitalang kaso ng COVID-19 sa munisipyo na lahat ay pawang imported cases.

Previous articleRio Tuba in Bataraza placed under ECQ again
Next articlePALECO inquiry to probe into NEA interventions
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.