Inanunsyo ngayong araw ng Odiongan Public Information Office, na ang mga locally stranded individual (LSI), returning OFW, at Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay maari nang magpa-swab test sa Rural Health Unit (RHU) sa mas murang halaga para hindi na kailangang hintayin pang matapos ang 14-araw na facility quarantine.

Nagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Odiongan at ang Philippine Red Cross (PRC) na pababain ang halaga ng RT-PCR/Swab test para sa mga uuwing LSI, OFW, at APOR sa bayan ng Odiongan.

Sa halagang P5,500 (mula sa regular na halagang P8,000-P12,000) ay kukunan na ng swab test ang indibidwal sa ikalimang araw ng kanilang quarantine at makukuha ang resulta sa loob ng 24-48 na oras matapos matanggap ng PRC Batangas ang sample.

Para sa mga interesado, maaring tumawag sa RHU sa numerong (042) 567 5111/ 0948 987 3311 para magpa-schedule.

Ang mga kamag-anak na hindi naka-quarantine ang maaring magbayad sa Municipal Treasurer’s Office kapag nakapagpaschedule na sa RHU. (PIA-Mimaropa)

 

About Post Author

Previous articleGov’t internship program ng DOLE, 101 ang benepisyaryo sa Palawan
Next articleDOT backs reopening of San Vicente as tourist destination