Sumakabilang buhay na ang driver at menor de edad na angkas nito sa nangyaring aksidenteng banggaan noong December 18 sa pagitan ng isang motorsiklo at van sa Purok Masagana, Brgy. Macarascas, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa imbestigasyon, lumalabas na dead on the spot ang 23 taong gulang na driver na kinilalang si Reymark Rodrigo, habang nakaabot naman sa ospital ang isa sa mga angkas nito bago binawian ng buhay.

Ayon pa sa impormasyon, galing ng Brgy. Cabayugan ang mga nasawi, kasama ang isa pa, at papunta sa Brgy. Salvacion para kumain.

Pagdating umano sa pinangyarihan ng aksidente ay nag-overtake ang motorsiklo sa sinusundan nitong van sa may kurbadang bahagi ng kalsada, kung saan bigla naman nitong nakasalubong ang nakabanggaan na van.

Kakaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, at damage to property ang driver ng van na kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

About Post Author

Previous articleBI monitoring arrivals from Asian nations with trafficking cases
Next articleLalaking maghahatid lang ng kalan at isa pang babae, natagpuan ang mga katawan sa Brgy. Kamuning
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.