May lead na ang city police sa grupo ng mga suspek na nakatakas matapos matangay ang halagang P50,000 sa Ohwhens and Whitney Carinderia sa Purok Pagkakaisa, Brgy. San Jose, kagabi, February 1.
Ayon sa tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na si P/Lt. Col. Mark Allen Palacio, maging ang pagkakakilanlan ng suspek na napatay ng kanyang kasamahan nang manlaban ang may-ari ng karinderya na si Wilross Balagulan Tecson, ay tukoy na rin nila.
Ngunit kailangan pa nilang kumpirmahin ito sa pamamagitan ng kanyang asawa.
“Identified na din yung suspect na namatay, we are now waiting for the confirmation from his identified wife,” ayon kay Palacio.
Nabanggit din ni Palacio na sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas taga Quezon ito.
Nakarekober din sa lugar na pinangyarihan ng krimen ng empty shells ng .45 caliber handgun, kaya kanila rin itong ipapa-ballistics test sa crime lab.