Larawan mula sa LGU Kalayaan

Nagbigay ng ayuda ang UP-Marine Science Institute (UP-MSI) sa pangunguna ni Fernando Siringan, sa mga mamamayan ng Barangay Pag-asa sa bayan ng Kalayaan, na personal nilang ibinahagi noong araw ng Lunes, Pebrero 14.

Kabilang sa mga natanggap ng mga residente ang mga food packs, water purifier, mga gamit pangisda, at mga aklat at mga laruan naman para sa mga batang Kalayaan.

Ayon kay Ariel Carlos, tagapagsalita ng Kalayaan, bagama’t dalawang buwan na matapos masalanta ng bagyong Odette ang Kalayaan, patuloy pa rin silang nakakatanggap ng tulong mula sa mga private individuals, mga non-government organizations (NGO), at ibang mga sektor ng lipunan.

- Advertisement -
Ang UP-MSI habang ibinibigay ang kanilang mga dalang pagkain, fish gears, aklat at iba pa sa mga residente ng Kalayaan.

Dagdag niya, lubos ang pasasalamat ng pamahalaang lokal ng Kalayaan sa pangunguna ni mayor Roberto del Mundo sa mga patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga residente, habang patuloy na bumabangon ang mga ito dulot ng naging trahedya sa kanilang kabuhayan.

“Taos-pusong nagpapasalamat ang LGU Kalayaan sa aming partner na UP-MSI. Ang inyong ipinaabot na tulong sa aming mga residente ay malaking tulong para sa muling pagbangon ng Kalayaan,” pahayag ni Carlos.

“May sarili silang barko, MV Panata. Sampu sila from UP-MSI na dumating noong February 12 sa Pag-asa para magbigay ng tulong sa atin,” dagdag niya.

Malaking tulong din ang mga kagamitang ibinigay ng UP-MSI sa mga mangingisda upang makabangon muli ang mga ito sa kabuhayan sa dagat.

Sa ngayon, sinisikap ng pamahalaang lokal na muling makabangon ang Kalayaan upang maitayong muli ang mga instrukurang bahagyang nasira ng bagyong Odette lalo na sa pangingisda na natatanging kabuhayan ng mga residente.

Previous articleMarinduque Celadon Jar returns to its home province
Next articleCity Council urges GSO to ensure timely payment of electric bills
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.