Photo from Unitop Puerto Facebook Page.

Pinabulaanan ng pamunuan ng Unitop ang alegasyon na puwersahan nitong pinaalis ang isa nitong tenant dahil sa hindi pagbabayad ng renta sa itinakdang oras noong Mayo.

Sa isang statement na ipinadala ng leasing officer ng Unitop na si Maricel Abiao sa Palawan News noong Miyerkules, Hunyo 9, mula sa kanilang legal office, mariing itinanggi ng management ng mall ang akusasyon na hindi sila nag-isyu ng resibo kay Nelson Bayog ng ACSR Trading 7th Life Wellness sa loob nang mahigit isang taon simula ng ito ay mag-renta ng puwesto.

Ayon sa Unitop, walang katotohanan ang mga reklamo ni Bayog hinggil sa kanyang puwesto sa loob ng kanilang mall. Ang unang sulat na kanilang ipinadala sa ACSR Trading 7th Life Wellness na tinanggap nito ay upang ipaalam lamang na kailangan nilang bayaran ang kanilang buwanang renta sa Mayo 25.

Ngunit sa halip na magbayad ay inilabas diumano ni Bayog ang kanilang mga paninda at inabandona ang inuupahang puwesto bago pa ang itinakdang petsa.

“The complaint of Bayog that ACSR [was] forcibly evicted from the leased premises is not true. In May 2021, ACSR defaulted in the payment of rent which prompted the leasing department to issue a letter requiring ACSR to pay the monthly rent by May 25, 2021. Instead of paying the monthly rent, ACSR pulled out its products from the leased premises on May 22, 2021. ACSR effectively abandoned the leased premises when it pulled out all its items,” ayon sa statement ng Unitop.

“Bayog’s allegation that no official receipts were issued for the monthly rentals is also not true. Unitop has issued Bureau of Internal Revenue (BIR) official receipts for all monthly rentals paid by ACSR,” ayon pa sa statement ng Unitop.

Ayon kay Abiao sa panayam sa kanya noon ding Hunyo 9, mayroon silang resibo sa kanilang main office na ipinadadala lamang sa kanila. “Regarding naman sa receipt, may resibo naman talaga. Ang gumagawa kasi ang main office namin at pino-forward lang dito,” pahayag ni Abiao.

Sa statement ay sinabi rin ng Unitop na hindi na makukuha ng ACSR Trading 7th Life Wellness ang P45,000 na deposito para sa tatlong buwan katulad ng kahilingan nito dahil nilabag ng pamunuan ng kompanya ang kanilang kasunduan.

“The lease term of ACSR is until December 31, 2021. ACSR violated the terms of the lease when it abandoned the leased premises. In case of pre-termination of lease, the 3-month deposit will be forfeited,” ayon sa statement.

Ang ACSR Trading 7th Life Wellness ay matatandaang lumapit sa Palawan News para sa ikalulutas ng problema na umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Umaapela ngayon ang pamunuan ng Unitop na mahinto na ang pagpapakalat ng mga malisyoso at maling impormasyon, na nakasisira sa mall.

“Unitop appeals to Palawan News to stop the spread of the malicious lies instigated by Bayog. Unitop will take legal action against anyone spreading malicious and false information that are designed to besmirch its good corporate name that it has built over the years,” pahayag ng Unitop.

Previous article‘Permanent quarantine law’ eyed against health protocol violators
Next articlePalawan opposes new BIR tax regulation imposing 25% corporate income tax on private schools
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.