Naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Puerto Princesa City ang unang sunog sa taong 2020 noong Miyerkules ng gabi sa Barangay Sta. Lourdes matapos mangyari ito sa storage room ng isang pribadong kompanya.
Sa panayam ng Palawan News kay FO3 Rud Mark Anticano, ang hepe ng investigation and intelligence section ng BFP sa lungsod, sinabi nito na nag-umpisa ang sunog noong ika-7 ng Enero bandang 7:19 p.m. at nadeklara naman na “fire out” noong 7:26 p.m.

Nangyari ito sa storage room na pag-aari ng Sea Glory International Corporation.
Sabi ni Anticano, bagama’t ang storage room ay nasunog, wala namang empleyadong nasaktan dahil ito ay “isolated” mula sa main building.
Hindi muna siya nagbigay ng ibang pahayag dahil sa patuloy pa rin na isinasagawa ang imbestigasyon tungkol sa insidente.