Larawan mula sa PCG

Isang turista ang humingi ng tulong sa Coast Guard Sub-Station El Nido (CGSS El Nido) matapos na makaranas ng pananakit ng tiyan habang nagsu-swimming sa karagatang sakop ng Seven Commando Beach sa bayan ng El Nido, nitong araw ng Martes, Hunyo 7.

Kinilala ang turista na si Aprille Ocampo, 32 taong gulang, at residente ng Calatagan, Batangas.

Ayon sa CGSS El Nido, habang nagsu-swimming si Ocampo malapit sa Papaya Beach ay bigla itong nakaramdam ng pananakit ng tiyan kaya humingi ng tulong.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng CGSS El Nido sakay ng Motor Boat (MB) 0109 na nagsasagawa ng maritime patrol sa lugar, at dinala si Ocampo at ang kanyang asawa sa modular floating dock sa Barangay Buena Suerte bago inihatid sa kanilang tinutuluyang hotel.

- Advertisement -

Pinayuhan ng CGSS El Nido ang mga tour guide na alamin muna ang kalagayan at kalusugan ng kanilang mga bisita bago makisali sa anumang aktibidad sa mga lugar na pasyalan sa bayan.

Previous articleFrontal system, ITCZ affecting different parts of the country
Next articleVaccination of women Capitol employees sought
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.