(Screengrab from the video by Ton Abengoza)

BROOKE’S POINT, Palawan —  Muling nagbigay ng public advisory ang Municipal Information Office (MIO) na hindi na maaaring madaanan ang tulay ng Barangay Maasin dahil sa pag-apaw ng tubig bunsod nang malakas at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa bayang ito.

Apektado rin ng pagtaas ng tubig ang mga  tulay ng mga barangay ng Samariñana, Buligay, Barong-Barong, at Tubtub sa bandang tanggapan ng Cardinal Agri ng bayan.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bilang paghahanda sa mangangailangan ng posibleng paglikas at rescue sa mamayan.

Per monitoring, ito ang mga mahahalagang impormasyon:

- Advertisement -
  • Hindi na passable ang Maasin Bridge
  • Baha sa unahan ng Cardinal Agri pero nadadaanan pa
  • Tumaas na din ang tubig sa Buligay
  • Tigaplan spillway not passable for all kinds of vehicle
  • Sa side ng Tagusao sa niyogan na dumadaan ang mga residente
  • Patuloy na tumataas ang tubig sa tulay ng Samarinana
  • Baha na sa Curanga, Ipilan; hindi na madaanan
  • Baha na sa Lapiac, Ipilan
  • Baha sa unahan ng Cardinal Agri
  • Barong-Barong is still passable

Pinapayuhan na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Brooke’s Point ang mga mamayan na nakatira sa mababang lugar na bahain, katulad ng ilog at iba pang lugar, na lumikas agad kung kinakailangan at makipag-ugnayan sa mga punong barangay upang maiwasan ang sakuna dulot ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Base sa mga post ng mga netizen sa social media, makikita sa mga larawan ang nakakatakot na pagbaha at pagtaas ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Brooke’s Point na hindi na maaari pang daanan papasok at palabas sa bayan.

Apektado na maging ang mga pananim ng ilang magsasaka dahil sa pagtaas ng tubig, maging ang  mga nagtitinda sa Tabuan ngayong araw ng Lunes.

“Matumal ang mamimili ngayon, ilan lang din ang mga nagtitinda dahil hindi makalusot  sa lakas ng ulan,” ayon kay Rosalia Marquez, isang vendor.

“Nalunod na ng baha ang pananim naming mga gulay, sa lakas ng tubig posibleng maapektuhan na pati ugat, sigurado apektado rin ang aming kikitain lalo na kung magtuloy-tuloy pa ang malakas na ulan,” dagdag niya.

Previous articleThe Puerto Princesa City Electoral Landscape
Next articleCrown-of-thorns starfish outbreak threatens coral reefs in El Nido
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.