Photos courtesy of Pearly Enriquez.

RIZAL, Palawan — Pipiliting magawaan ng paraan na maayos ng barangay council ng Punta Baja sa bayan na ito ang problema ng mga katutubong Pala’wan hinggil sa tulay sa Sityo Calupisan na laging tinatangay ng baha kapag malakas ang ulan.

Ang tulay ay nag-uugnay sa dalawang sityo ng Punta Baja na Calupisan at Biyaoyao. Kada taon ay sinasabing nasisira o natatangay ng baha ang tulay dahil gawa lamang ito sa kahoy at hindi konkreto.

Sa impormasyong ibinahagi ng residente ng Calupisan na si Pearly Enriquez sa Palawan News, araw ng Biyernes, noong September 16 ay nagkaroon ng malakas na pagbaha kaya muling nasira ang tulay.

“Yearly nasisira yan, lalo na kapag may baha o mataas ang tubig, natatangay talaga ang tulay wala talagang ibang puwedeng daanan. Kung mayroon man, malayo talaga,” sabi ni Enriquez.

 

Photos courtesy of Pearly Enriquez.

Ayon naman kay kapitan Joselito Macahipay, araw ng Sabado, bago magtapos ang buwan ng Octubre ay plano nilang gumawa ng barangay resolution kasama ang kanyang mga kagawad na maisama ito sa proyekto ng munisipyo na mapakonkreto sa ilalim ng 2021 Development Fund ngĀ municipal government ng Rizal.

“Gagawan namin ito ng resolution para mapasama sa priority project ng ating munisipyo sa 2021 para hindi na mahirapan ang mga kababayan natin na nakatira diyan sa lugar na yan,” sabi ni Macahipay.

Sa kanya pang dagdag na pahayag, sinabi niya na humiling na rin siya sa equipment ng provincial engineering na nandoon sa kanilang barangay para mahukayan ang ilog at hindi lumaki ang tubig kapag malakas ang ulan ngunit hindi pa ito tumutugon sa kanya.

“Humingi na ako ng tulong sa province pero wala pang tugon,sa ngayon siguro ang magagawa natin ay kailangan talaga itong mapondohan ng ating munisipyo at magawan ng resolution ng ating barangay para sana sa 2021 maisama sana ito,” sabi ni kapitan.

 

About Post Author

Previous articleThe teacher who climbs trees to get a wifi signal
Next articleSolon to DOE: Act on all pending solar project applications
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.