Larawang kuha matapos ang buy-bust. Ang suspek ay nasa gitna (nakasuot ng stripes na sando) habang ang mga awtoridad ay nagsasagawa ng inventory. (Photo from Palawan PPO)

Arestado ang isang 20 taong gulang na residente ng Purok Centro, Barangay 4 sa bayan ng Roxas matapos magbenta ng marijuana sa undercover agent ng pulisya noong tanghali ng Biyernes.

Ang inaresto ay kinilala ng Palawan Police Provincial Office (PPO) na si Lester Cocol Garin, matapos magbenta ng marijuana sa undercover agent na may tinatayang timbang na 8.197 grams sa Purok Seaside sa natura rin na barangay.

Ayon sa ulat ng PPO, inaresto ito ng mga pulis ng Roxas Municipal Police Station (MPS) bandang alas dose ng tanghali pagkatapos magbenta ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,000.

Pagkatapos arestuhin ay nakumpiskahan ito ng isa pang dahon ng marijuana na pinatuyo na nakaipit sa transparent case ng kanyang cellphone na dala, at dalawang piraso ng P500 na siyang buy-bust money.
Nasa kustodiya siya ngayon ng Roxas MPS para sa kaukalang pagsasampa ng kaso dahil sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

- Advertisement -

Previous articlePH will never abandon rights over Ayungin Shoal
Next articleAlyas Totoy na may kasong frustrated murder, huli sa Brooke’s Point