Arestado ng mga pulis ang isang drug pusher sa akto ng pagbebenta ng ipinagbabawal na shabu sa isang buy-bust operation sa Purok Banaba, Brgy. Sicsican, bandang alas 2:58 ngayong araw, August 8.
Nakumpiska sa suspek na si Mark Saturninas ang tatlong sachet ng shabu, buy-bust money na nagkakahalaga ng P2,200, isang improvised glass tooter, isang cellphone at backpack na pinaglalagyan ng mga ito.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng Police Station 2 si Saturinas na haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
ADVERTISEMENT Palawan News is an Inquirer News Initiative partner of Inquirer Plus. Subscribe now to know more of their tourism fun facts! #InqPlusINI #InquirerNewsInitiative #localnews #tourism #PalawanNews #InqPlus #initi8comm #PhilippineDailyInquirer #DriveToThrive
